Transcript

Use with ChatGPT / Claude Auto-scroll A

1. Kahulugan at Kahalagahan ng Korrespondensyang Opisyal

Inilalahad ang depinisyon ng opisyal na korrespondensya at ang anim na pangunahing dahilan kung bakit ito mahalaga sa komunikasyon.

0:09 - 1:38
Sa video na ito, alamin natin at unawain kung ano nga ba ang korrespondensya opisyal.Ang korrespondensyang opisyal ay tumutukoy sa pormal at sistematikong pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat na komunikasyon ng mga tao, tanggapan, organisasyon, institusyon o ahensya ng pamahalaan hinggil sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang tungkulin, gawain, transaksyon at responsibilidad.Ginagamit ito upang maghatid ng impormasyon, magbigay ng kahilingan, magpabatid ng desisyon, mag-ulat ng pangyayari, mag-anyaya, magbigay ng tagubilin at magdokumento ng mahalagang usapin.Ano nga ba ang kahalagahan ng korrespondensyang opisyal?Una, nagbibigay ng pormal na komunikasyon.Nagsisilbi itong maayos at magalang na paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga taong may kinalaman.sa isang gawain o usapin.Ikalawa, nagpapabatid ng mahahalagang impormasyon.Ginagamit ito upang maiparating ang mga anunsyo, paalala, pagbabago, desisyon at iba pang mahahalagang detalye.Ikatlo, nagiging dokumentasyon ng mga transaksyon.Nagsisilbi itong nakasulat na tala ng mga kahilingan, kasunduan, desisyon at iba pang opisyal na gawain.
Ikaapat, nagpapakita ng propalismo.Ipinakikita nito ang pagiging responsable, maayos, magalang at organisado ng isang tao o institusyon.Ikalima, nagbibigay linaw sa mga tungkulin at responsibilidad.Nakatulong ito upang maipabatid kung sino ang may pananagutan sa isang gawain.Ano ang kailangang gawin at kailan ito dapat isagawa.Ikaanim, nagpapadali sa koordinasyon at pagtutulungan.Nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan ng iba't ibang tanggapan, organisasyon at indibidwal upang maisakatuparan ang isang layunin.

2. Mga Uri ng Liham Pantanggapan at Format

Tinatalakay ang liham pantanggapan, kasama ang iba't ibang uri nito tulad ng liham pakiusap, paaya, at reklamo.

Tukuyin naman natin kung ano-ano nga ba ang iba't ibang uri ng korrespondensya opisyal.Isa-isahin natin at unawain.Unang uri, liham pantanggapan o official letter.Ang liham pantanggapan ay isang pormal na sulating ginagamit sa pakikipag-ugnayan ng isang tao.Tanggapan, organisasyon o institusyon sa ibang tao o institusyon upang maghatid ng impormasyon.kahilingan, paanyaya, pasasalamat, reklamo at iba pang opisyal na usapin.Karaniwang nakasulat ito sa isang dokumentong may wastong format, malinaw na nilalaman at magalang na pananalita.Narito ang halimbawa ng format ng liham pantanggapan.Pansinin ang nasa iyong screen.Narian ang iba't ibang bahagi ng liham.Dumako tayo sa mga uri ng liham pantanggapan.Una, liham pakiusap o liham kahilingan o letter of request.Ito ay liham na ginagamit upang humiling ng pahintulo, tulong, impormasyon, kagamitan o iba pangailangan mula sa isang tao o tanggapan.Ikalawa, liham paaya o letter of invitation.Ito ay liham na naglalayong mag-anyaya sa isang tao o pangkat upang dumalo sa isang pagpupulong, programa, seminar o iba pang gawain.
Ikatlo, liham pagpapabatid or letter of information o notice.Ito ay liham na ginagamit upang maghatid ng mahahalagang impormasyon o ipaalam ang isang pangyayari, pagbabago o desisyon.Ikaapat, liham pagreklamo o letter of complaint.Ito ay liham na naglalayom maglahad ng reklamo o suliranin hinggil sa isang serbisyo, produkto, pangyayari o sitwasyon.Ikalima, liham pasasalamat or letter of appreciation o thanks.Ito ay liham na nagpapahayag ng pagkilala at pasasalamat sa isang tao, pangkat o institusyon dahil sa tulong, suporta o serbisyong ibinigay nito.Ikaanim, liham applikasyon o letter of application.Ito ay liham na ginagamit upang pormal na magpahayag ng interes na matanggap sa isang trabaho, posisyon, programa o pagkakataon.Ikapito, liham pagtugon or letter of response.Ito ay liham na ginagamit upang tumugon sa isang naunang liham.Kahilingan, reklamo o paanyaya.Ikawalo sa ating tala, liham pagpapatunay or letter of certification or verification.Ito ay liham o dokumentong nagpapatunay sa isang impormasyon, kalagayan o pangyayari batay sa talaan o kaalaman ng kinauukulang tanggapan.

3. Paggamit at Uri ng Sulatroniko o Electronic Mail

Ipinaliwanag ang email bilang pormal na komunikasyon at inilahad ang iba't ibang uri nito batay sa layunin ng pagpapadala.

Ikalawang uri, sulatroniko o elektronikong liham o electronic mail or email.Ang sulatroniko o email ay isang uri ng pagsulat na komunikasyong ipinapadala at natatanggap sa pamamagitan ng elektronikong kagamitan at internet.Ginagamit ito sa pagpapalitan ng impormasyon, dokumento, kahilingan, anunsyo, paanyaya at iba pang mensaheng may kaugnayan sa opisyal na gawain ng isang tao o institusyon.Bagam't ipinadala ito sa pamamagitan ng internet, maaari pa rin itong maging isang pormal at opisyal na komunikasyon kung wasto ang nilalaman, pananalita at paggamit nito.Narito ang uri ng email batay sa layin.Una, email na panghiling o request email.Ginagamit ito upang humiling ng impormasyon, pahintulot, dokumento o tulong.Ikalawa, email na pang-impormasyon or informational email.Ginagamit upang magbigay ng mahahalagang detalye, anunsyo o paalala.Ikatlo, email na pang-anyaya o invitation email.Ginagamit upang mag-anyaya sa isang pagpupulong, seminar, programa o pagtitipon.Ikaapat, email na pagtugon o response email.ginagamit upang tumugon sa isang naunang email o mensahe.
Ikalima, email na pagpapadala ng dokumento o document submission email.

4. Pag-unawa sa Resolusyon at mga Uri Nito

Binibigyang-kahulugan ang resolusyon bilang pormal na pahayag ng desisyon at tinalakay ang iba't ibang uri nito.

Ginagamit upang magpadala ng mga kinakailangang dokumento bilang kalakip o attachment.Ikatlong uri, resolusyon o resolusyon.Ang resolusyon ay isang pormal na nakasulat na pahayag ng pasya, paninindigan, mungkahi o pagkilos na pinagtibay ng isang kapulungang may aoridad o kapangyarihang magpasya sa isang partikular na usapin.Karaniwan itong ginagamit ng mga konseho, lupon, commit, organisasyon at mga sangay ng pamahalaan upang maitala ang kanilang napagkasunduan o opisyal na posisyon.hinggil sa isang bagay.Narito ang uri ng resolusyon.Una, resolusyong nagpapahayag ng paninindigan o position resolution.Ito ay resolusyong nagpapahayag ng opisyal na pananaw paninindigan ng isang organisasyon tungkol sa isang issyu.Ikalawa, resolusyong nagmumungkahe o proposed action resolution.Ito ay resolusyong nagmumungkahe ng isang programa, proyekto o hakbang na maaaring isagawa ng isang organisasyon.Ikatlo, resolusyong nagbibigay pahintulot o authorization resolution.Ito ay resolusyong nagbibigay ng pormal na pahintulot sa isang tao o pangkat upang magsagawa ng isang gawain kung naaayon sa kapangyarihan ng organisasyon.
Ikaapat, resolusyong nagpapahayag ng pagkilala o pasasalamat or appreciation resolution.Ito ay resolusyong nagpapahayag ng pagkilala, pagpapahalaga o pasasalamat sa isang tao o pangkat dahil sa mahalagang kontribusyon nito.Ikalima, resolusyong nagpapatibay ng isang panukala o adaption resolution.Ito ay resolusyong pormal na nagpapatibay o tumatanggap sa isang panukala, plano o programang napagkasunduan ng isang kapulungan.
Seek backward 5s ←
Longer seek (10s) Shift ←
Play Space Seek forward 5s →
Longer seek (10s) Shift →
0:00 Auto-scroll A Copy link at current time S

IBA'T IBANG URI NG KORESPONDENSIYA OPISYAL| FILIPINO 9 TERM 2| ARALIN SA FILIPINO